Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Napiling artikulo

Si Kim Il-sung (Abril 15, 1912 – Hulyo 8, 1994), ipinanganak na Kim Song-ju, ay isang Koreanong rebolusyonaryo, militar, at politiko na kilala bilang pigurang tagapagtatag ng Hilagang Korea at unang kataas-taasang pinuno nito. Namahala siya mula sa pagkalikha ng bansa noong 1948 hanggang sa kanyang pagkamatay nang 1994, kung kailan hinalinhan siya ng kanyang panganay na anak na si Kim Jong-il. Naglingkod siya bilang unang premiyer at tanging pangulo ng Hilagang Korea, Tagapangulo at Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea, at Kataas-taasang Komandante ng Hukbong Bayan ng Korea. Inilahad niya ang pilosopiyang Juche, ang pampamahalaang ideolohiya ng Hilagang Korea na nakabatay sa sosyalismo, pag-asa sa sarili, at nasyonalismong Koreano. Isinilang sa isang Kristiyano at aktibistang pamilya sa panahon ng paglupig sa Korea, naging gerilyang anti-Hapones si Kim sa kanyang pagkabata. Naimpluwensyahan siya ng mga makakaliwang ideolohiya at sumali sa mga organisasyong radikal tulad ng Partido Komunista ng Tsina. Matapos mahati ang tangway sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya bilang pinuno ng pamahalaang probisyonal sa sonang Sobyetiko at nangasiwa sa pagkatatag ng kasalukuyang estado ng Hilagang Korea. Pinasimuno niya ang pagsalakay sa Timog Korea noong 1950 na humantong ng Digmaang Koreano, na tumigil noong 1953 sa pagkapatas at armistisyo.
Alam ba ninyo ...

- ...na ang diyalektika ay pinaunlad ng mga pilosopong Aleman gaya nina Kant, Hegel, at Marx at Engels?
- ...na ilan sa mga simulain ng mga robot (nakalarawan) ay mula sa mga mitolohikong paglalarawan ng mga artipisyal na tao gaya ng Galatea, Talos, at automaton?
- ...na itinutulak ng AGHAM ang hustisya hinggil sa pagkamatay ni Dr. Leonard Co?
- ...na ang isa sa mga pinakamamainit na derby sa Italyanong futbol, ang ribalang Juventus FC at SSC Napoli, ay sumasalamin sa mga tunggalian ng Hilaga at Katimugang Italya?
- ...na ang adbokasiya ni Miss USA 2022 Morgan Romano ay ang pagtataguyod ng kababaihan sa larangan ng STEM?
Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.
May-akda ng larawan: Diego Delso
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
| Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
| 50,247 artikulo |
261 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Isang lindol na may lakas na Mw 7.8, na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim, ang yumanig sa Mindanao, Pilipinas. Naramdaman din ito hanggang sa Leyte, sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya, at sa Sabah sa Malaysiya. Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala (nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani).
- Naitala rin ang mga sunami sa Guam, Palau, at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon, at Pilipinas. Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana, habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya, Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
- Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.
Sa araw na ito (Oktubre 10)

- 1582 — Dahil sa pagpagpapakilala ng Kalendaryong Gregoryan sa taong ito, hindi lumitaw ang araw na ito sa Italya, Polandya, Portugal at Espanya.
- 1631 — Kinuha ng Sandatahang Lakas ng Sakonskata ang Prague.
- 1740 — Ikalawang araw ng maramihang pagpatay ng Tsina sa Batavia. Hindi bababa sa 10,000 ang namatay.
- 1780 — Isang napakalakas na bagyo ang pumatay sa 20,000-30,000 na katao sa Karibe.
- 1830 — Ipinanganak si Isabel II ng Espanya, Reyna ng Espanya. (namatay 1904)
- 1858 — Sinuportahan ng Estados Unidos ang pagoorganisa sa rebolusyon ng Kuba sa Espanya.
- 1970 — Ang bansang Pidyi ay lumaya.
- 1911 — Ibinaksak ng Tsina ang pagiging monarkiya, ipinoklama ni Sun Yat Sen ang Republika ng Tsina.
- 1938 — Ikalawang Digmaang Pandaigdig: Isinama ng Alemanya ang Sudetenland mula sa Czechoslovakia.
- 1987 — Idineklara ng Pinunong Militar ng Fiji na si Sitiveni Rabuka ang pagiging republika nito.
- 1990 — Nagkaroon ng Pagaalsang Taggutom ang mga istudyante sa Kiev para sa kalayaan ng Ukraine.

-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiksiyonaryo
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo