Pumunta sa nilalaman

Das Kapital

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Das Kapital
First edition title page of Volume I (1867). Volume II and Volume III were published in 1885 and 1894, respectively.
May-akdaKarl Marx
Orihinal na pamagatDas Kapital. Kritik der politischen Oekonomie
TagapagsalinSamuel Moore and Edward Aveling
BansaGermany (North German Confederation)
WikaGerman
Nilathala1867–1894
TagapaglathalaVerlag von Otto Meisner
Nilathala sa Ingles
1887
Uri ng midyaPrint
TekstoDas Kapital at Wikisource

Ang Kapital: Kritika ng Ekonomiyang Pampolitika ay isang pundasyong teoretikal na teksto sa materyalistang pilosopiya at kritika ng ekonomiyang pampolitika na isinulat ni Karl Marx, na inilathala bilang tatlong tomo noong 1867, 1885 , at 1894. Ang kasukdulan ng kaniyang gawain sa buhay, ang teksto ay naglalaman ng pagsusuri ni Marx sa kapitalismo, kung saan hinangad niyang ilapat ang kaniyang teorya ng materyalismong istoriko "upang ilahad ang pang-ekonomiyang batas ng paggalaw ng modernong lipunan", kasunod ng mga klasikal na politikal na ekonomista tulad ng bilang Adam Smith at David Ricardo. Ang ikalawa at ikatlong tomo ng teksto ay nakumpleto mula sa mga tala ni Marx pagkatapos ng kaniyang kamatayan at inilathala ng kaniyang kasamahan na si Friedrich Engels. Ang Das Kapital ay ang pinakabinanggit na libro sa mga agham panlipunan na inilathala bago ang 1950.

Ang Das Kapital, Tomo I (1867) ay isang kritikal na pagsusuri ng politikal na ekonomiya, na naglalayong ihayag ang mga kontradiksyon ng kapitalistang moda ng produksiyon, kung paano ito naging pasimula ng sosyalistang paraan ng produksiyon at ng makauring pakikibaka na nakaugat sa kapitalistang panlipunang relasyon sa produksiyon. Ang una sa tatlong tomo ng Das Kapital ay inilathala noong 14 Setyembre 1867, na inialay kay Wilhelm Wolff at ang nag-iisang tomo na inilathala sa buhay ni Marx.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ Marx, Karl (1867). Das Kapital: Kritik der politischen Oekonomie. Bol. 1: Der Produktionsprozess des Kapitals (ika-1 (na) labas). Hamburg: Verlag von Otto Meissner. doi:10.3931/e-rara-25773.